Madalas ka bang mainit ang ulo?
Pabigla-bigla ba ang mood swings mo?
Pareho tayo.
Madalas ka din bang sipunin o di kaya ubuin?
Mabigat ang pakiramdam?
Ilan lang yan sa mga rason baki naisipan kong mag-lose na ng weight.
Ikaw ba yung every year na lang ang new year’s resolution mo ay mag-gym at mag-lose ng weight? Pero for some reason, every time tumutuntong ka sa treadmill, bored na bored ka kaagad.
Kaya lang pag nahimasmasan ka na, ang dami mo na namang naiisip.
Ang hirap kaya bumili ng damit pag hindi ka physically fit.
Yung damit mo di rin nagfi-fit sayo.
Pag nasa display parang ang ganda ganda ng porma.
Pag suot mo na, bakit ganon nagiging pangit. Haha.
Kahit anong hinga mo ng malalim, di pa rin lumiliit ang tiyan.
Kahit anong angulo mo tingnan ganon pa rin di papasa pang instagram.
In fairness, maganda ang fit sa akin ng shirt sa old navy.
Siguro dahil malaki na talaga nilaki ko. American size na. Haha.
Gusto kong maging mas fit kasi gusto kong maging mas maganda ang pakiramdam ko sa sarili ko.
Confidence booster kumbaga.
Tsaka alam ko kasing maraming kainan na naman ngayong December.
Sigurado ako pag wala akong gagawin pagdating ng January mas lalong ang laki ko.
Anyway, eto ginawa ko.
Matagal naman na akong distributor ng USANA products.
Since 2011 pa. Minsan nakaka-complacent din kasi alam mo may product kang maganda.
Anytime na gustuhin mong magpapayat, pwede talaga.
Nung bago ako, nag-try din ako maglose ng weight naging maganda naman ang effect.
Kaya nga lang siyempre habang tumatanda ka, yung metabolism mo mas bumabagal din.
Ang sarap ding kumain. Lalo kapag pagod na pagod ka sa gabi. Gusto mo lang ipamper ang sarili mo.
Marami pang dahilan (at excuses) pero ayaw ko nang humaba pa.
To cut the long story short, after 7 years lumobo na talaga ako ng todo.
Last Nov 8, 2018 umabot na ako ng 225.4 pounds.
Mabigat na talaga. Overweight kumbaga.
Kaya ayun. Nag-NUTRIMEAL RESET program na ako.
Inisip ko na lang. Tutal 5 araw lang naman to.
Lilipas din naman to. Mabilis lang yun 5 araw.
Para ka lang batang magpapa-injection sa doctor.
Sasabihin sayo, parang kagat lang ng langgam.
Kaso masakit pa rin. Pero at least tapos na. Kaya wala ka nang magagawa. Haha.
Minsan late na talaga ako nakakatulog. Tapos late din ang gising.
Sabi nila gawin mo daw yung routine mo naka-anchor sa una mong ginagawa pag umaga.
So ginawa ko naman.
Ano bang unang una kong ginagawa sa umaga? Of course, mag-CR ano pa nga ba.
So eto ang routine ko pag umaga.
– Pagkagising, diretso na agad ako sa CR.
– Pagbalik sa kama, uupo ako at magbabasa ng PSALMS
– Then after, makikinig ako sa audio recording ko ng affirmations
– Pupunta sa kusina, magti-timpla ng Nutrimeal. Cold water, 2 scoops Nutrimeal Dutch Choco flavor. Plus 1 scoop Fibergy.
– Iset ang timer ko sa phone ng 2 hours. Why? Para maremind ako kelan ako kakain ulit.
Minsan kasi either nakakalimutan kong kumain such that gutom na gutom ako after.
Or paminsan kain din ako ng kain.
So 2 hours it is! Iniisip ko yung yung (Nutri)meals happen every 4 hours.
So meryenda is after 2 hours of each meal. Siyempre inexplain ko talaga. Haha.
After 2 hours kain ako ng light snack. No carbs. No rice. No pasta.
Sinubukan kong kumain ng fruits like apple. Ok naman kaya lang naasiman ako sa lasa.
Mas ok sa akin ang veggies. May lasa. Chopseuy. Itlog.
No rice lang talaga. No colored juice drinks. Water lang.
Coffee pwede as long as walang sugar or creamer.
Brewed coffee di pwedeng 3-in-1 may sugar yun. Kaya alam mo na ang lasa.
Mapait? Oo naman! Hehe
Anyway, first day ok naman. I just made sure na hindi ako gutumin.
Malakas pa rin ako kumain pero puro vegetables lang.
Hinalo ko din yung Nutrimeal Choco sa Coffee.
Nag-end up parang MOCHA ang lasa. Masarap naman. 🙂
Ano pa ba mga ginawa ko?
Ayun, after another 2hours. Drink nutrimeal ulit.
Minsan pumunta ako sa Coffee Bean. Di ko maalala ano nga yung masarap na salad doon.
Sabi ko sa wife ko, sige if ever yung Greek salad na lang papasabay ko na order sa kanya.
Too bad, narealize ko nung niserve na. Yun pala yung hindi masarap. Kaya pala tumatak sa akin ang pangalan. For the wrong reason. Siguro sinabi ko sa sarili ko nung una ko tong natikman na hinding hindi na ulit ako oorder nito.
Well to be honest di naman talaga ako sanay kumain ng salad kaya lahat di masarap.
Except for Go Salad. “Man Go Wild” for the win!
Ayun masarap yun. Man Go Wild. Madalas hati kami ng wife ko. Mahal din kasi. P275 ata per piece. Kinukuha namin yung naka-WRAP. Tapos hahatiin yun sa dalawa. Enough na yun kalahati para sa akin. Hinay hinay lang haha.
In fairness, hindi siya lasang parusa katulad ng Greek salad. Feeling ko talaga nun para akong kambing na ngumunguya ng dahon. Kadi di ko makain yung ibang kasama dun sa greek salad. Yung dahon lang ng lettuce kaya ko.
Kaya lang after sometime, nagsawa din ako sa Man Go Wild. So sinubukan namin yung Caesar salad nila. Ayun masarap din! Dagdag pa yung chicken. Medyo mahal nga lang. Aabutin ka P345.
Iniisip ko na lang since hati kami ng wife ko. Lalabas parang P173 each kami. Parang kumain na lang din ako sa McDo or KFC. Only this time, healthy yung kinakain namin.
Marami akong na-observe sa 5 day program, pero eto yung pinakamahirap na part.
Ang hirap maghanap ng healthy na pagkain! Marami sa pagkain ng Pinoy kasama palagi ang RICE!!! Ang daming rice meals! Longanissa with rice. Egg with rice. Bagoong with rice. Chicken, beef, fish with rice!!! Lahat na lang may rice!!!
Kaya nangyari every night bumibili ako sa grocery store ng veggies para bukas may lulutuin.
Nung nilista ko ano yung mga ulam na kinain ko, eto ang lumabas.
Chopsuey
Pinakbet
Bulanglang
Ampalaya with Egg
Nilagang itlog
Kalabasa at sitaw
Ginisang upo
Brocolli with garlic
Toge with Tofu
Lumpiang gulay
Sa totoo lang ang hirap kumain ng walang kanin. Sanay na sanay kasi ako kumain. Sabi nga ng wife ko pag kumain daw ako parang construction worker! No offense sa mga construction workers. Pero ibig lang niya sabihin, ang dami ko talagang kinakain na kanin. 🙂 Kaya ang laking adjustment para sa akin ang walang kanin.
After 10 days, ayun Nov 18 naging 217.6 pounds na ako. That’s 7.8 pounds lost.
Ang pinakamababa ko nang weight recently ay 215.8 last November 25. That’s 9.6 pounds lost!
Pero ayun after a few days, napakain na naman ako.
Nag-start yun din nung manonood sana kami ng UAAP sa MOA kaso naubusan na ng tickets.
Kaya para mabawasan ang lungkot, nag drive thru kami sa McDo ng wife ko.
Nagorder ako ng 6-piece chicken. Ang sarap. Crispy. Fatty meal. Haha.
Kahapon, ayun kumain na ulit ako ng kanin. Fried rice sa Mann Hann. Hhhaayyy.. Ang sarap talaga kumain ng kanin.
Kaya di na rin ako nagtaka na tumaas na ulit ng 218 pounds ang weight ko.
Kaninang umaga, sabi ko kelangan kong bumalik sa gulay lang.
Narealize ko pag may breading ang chicken, carbs din pala yun.
Tsaka mahirap pumayat kung wala ka ngang rice pero sangkatutak na chicken wings and legs din ang palagi mong kinakain.
No choice. Balik ulit sa fruits ang veggies.
Yun isang bagay na di ko pa nagagawa talagang concistent sa weight loss goal ko ay yung exercise.
Mahilig ako sa sports. Gusto ko ulit maglaro ng tennis o di kaya badminton. Yun nga lang paminsan kasi kelangan mo kalaro or kapaluan pag ganon. Eh minsan yung mga kaibigan ko hindi naman sila available.
So bakit nga ba ako all of a sudden naging seryso ulit magpapayat?
This year kasi ang goal ko ay mag-focus sa fitness ko. Admittedly, sobrang naging erratic ang outcome. May time na bumaba siya. May time na tumaas ulit siya. May time na palagi ako may sipon at inuubo. May time na hindi na talaga maganda pakiramdam ko.
Pero after I lost the 8.2 pounds recently, medyo mas gumaan at gumanda ng konti ang pakiramdam ko. Excited ako na magtuloy tuloy yung fitness journey ko. Goal ko next is mapababa to at least 210 pounds…then down to 200 pounds…then down to 190…and settle down to mga 185 pounds.
Teka, ano nga ba yung ideal weight for men para sa isang taong may 5’8” na height at large frame? After google-ing, nagulat ako nasa 165-169 pounds daw pala!
WHAT??!!!! Malayo pa pala yung 185 pounds hahaha! Kung aabot ako ng 169 pounds, by then, I would have lost 225 minus 169 = 56 pounds (around 25kgs)!!! Parang araw araw ko palang buhat buhat sila Ethan at Ervin with my extra weight of 25kgs. Haha! 😀
Alam ko I am still a long way to go dun sa goal na yun. But I am enjoying the process. Roller coaster ang emotions. Roller coaster din ang discipline. Roller coaster din ang results. Pero at the end of the day, masarap pa rin ang mag-set ng goal at unti unti mong nararamdaman na may progress. Anuman ang mangyari, grateful ako sa character-sculpting experience na to.
Ikaw, may plano ka din bang mag-lose ng weight? Kung may napulot ka man sa article na to, hopefully, na-encourage kita na hindi ka nag-iisa. Kaya mo din yan. Importante tuloy tuloy ka lang. Pasasaan ba’t makakamit din natin ang minimithi nating weight goal na yan.
Looking forward to seeing you na confident na sayong beach body pagdating ng summer escapades this 2019! 🙂
P.S. Want more tips? Here’s my short video after 30-days of trying to lose weight.
P.P.S. Wanna learn more about the 5-day weight loss program? Contact me here.